Tinimbang Ka Ngunit Sobra

Kasalan siguro ng mga double decker ham and egg sandwich na kinakain ko buong bakasyon. Bakit hindi, nakakadalawa ako bawat araw sa loob ng halos dalawang buwan. Sa dami kong kinain, lumobo ako ng 20 lbs, hanggang pumalo na ako sa 179 pagtungtong sa unang araw ng 2nd year high school.
Laking gulat ng mga kaklase ko pagkakita nila sa akin. Ako naman, hindi ko naintindihan ang pinagsasabi nila hanggang makita ko ang sarili sa litrato. Tumaba na pala ako ng husto.
Ayokong tumaba. Siguro dahil sa banidad, o baka naman hindi lang talaga ako nasanay sa mga panunukso ng mga feeling-gwaping na high school jocks sa locker room matapos ng PE, o mga atrebidang saleslady na paulit-ulit na pinamukha sa akin na nakaharang ako sa counter dahil ang taba ko. “Hoy taba” umaalingawngaw pa rin sa tainga ko tuwing hinahawi ko ang kurtina ng nakaraan.
Kaya nga’t pilit akong nagpababa ng timbang simula noong high school, una dahil sa ayoko nang matukso at pangalawa, dahil na rin sa kalusugan. Ngayon at treinta na ako, malalapit-lapit na rin siguro akong tamaan ng mga sakit-sakit sa katawan. Mabuti nang ma-preserve ang youthful glow habang maaga.
Mahirap maging physically fit. Maslalo na kong buong buhay mo mas hilig mong magbasa at mag-drawing kaysa mag-basketball. Pero sinusubukan naman namin ng kapatid ko. Noong linggo, sumali kami sa una naming 5 kilometer run. Sana naman ngayong 2009 mag-umpisa na kaming magka-beach body. Kaya nga mas gusto kong nagbabakasyon sa Baguio kaysa sa beach. At least sa Baguio, di mo kailangan maging mukhang miyembro ng Spartan army.
mahal kita kahit ano pa ang mangyari sayo.
panget na daw ang baguio. tagaytay na lang
emosuitcase
January 30, 2009 at 1:20 am