Hello Oso!

I couldn’t help it.

Posted in Found, Life, Objects by rommelj on February 21, 2009
prime-megatron

Maganda ang disenyo ng mga kahon.

Matagal na akong tagahanga ni Optimus Prime. Kung dumating siya dito at mag-concert sa Araneta Coliseum, pupunta ako. Magdadala pa ako ng malaking placard na susulatan at dodrowingan ng mga energon cubes at puso.

Noong grade school ako noong 1985, nanalo ako ng academic award at dapat bibilhan ako ng laruan bilang premyo sa aking pagkapanalo. Nagiging uso pa lang noon ang Transformers na una kong napanood sa betamax na hinaram sa CS Video sa may Del Monte Avenue. Siyempre si Optimus Prime ang gusto kong bilhin. Kaso sa kasawiang palad, out-of-stock na ang mga Optimus Prime at pumili na lang ako ng Autobot na nalalapit sa itsura ni Optimus Prime. Umuwi ako noon dala-dala ang firetruck robot na si Inferno.

Wala nang nakakatanda kay Inferno ngayon at doon ko unang natutunan ang isa sa mga pinakamahalagang leksyon sa buhay: never settle.

prime

Mukhang plastic na plastic si Prime

Flash forward 20 plus years later at wala pa rin akong Optimus Prime. Naglabas ng 20th anniversary Masterpiece Edition ng naturang robot at inasam-asam kong makuha ito balang araw. Ginawa ko pa nga itong topic ng TFA 180 (Design Theory) presentation ko sa eskuwela.

Sa wakas noong nagkatrabaho na ako, pikit mata akong bumili ng Masterpiece Edition ni Prime sa halagang PhP 5,000. Masaya ako at di naman nagsisisi.

Bagamat nakuha ko na rin si Prime, minsan gusto ko pa ring magkaroon ng ibang Prime. Nagkataong sale ng mga special edition Transformers sa mga toy stores. Half the price kaya pinatos ko na rin. Maganda ang kahon kahit na mukhang cheap at plasticky ang build ng mga laruan. Pwede na rin. Sale naman eh.

books

"The Dinosaurs" ay ginuhit ni Brian Selznick, ang author ng 2008 Caldecott winner ng "The Invention of Hugo Cabret" for Php 80. "Hurricane" by David Weisner for PhP 40 at journals nang yumaong si Dan Eldon for PhP 480.

Ang talagang panalong nabili ko noon araw na nag-shopping spree ako ay ang mga librong ito. Second hand na sila, medyo bugbog na pero ayos naman ang presyo.

Related Links:

Brian Selznick

The Invention of Hugo Cabret

David Weisner

The Journey is the Destination: The Journals of Dan Eldon

Dan Eldon

Leave a Reply